Saturday, October 14, 2006
Be Careful!
Last wednesday morning, on his way to my office, Rain got into a car accident. =( As in sa street lang nila. Around 8:15am, I got a call from the reception that there's an emergency call daw. Kaya bigla akong nagulat. Isip ako ng isip kung tungkol san kaya un. Then, when I heard Rain's voice, and he said "Nabangga ako, Lab!", my first reaction was, ok lang ba siya or may nangyari ba sa kanya. And I ask kung malaki ba ang bangga? Hindi naman daw! Harap lang. Kaya since he don't know what to do, I ask him to call the insurance agency right away. Tapos tawag agad siya sa mom nya which is few blocks lang from their house. Hindi pa nga halos siya nakaka-lampas ng street nila. Habang pa-aakyat ng Ibuna St., may bigla nlang umaatras from the left house and ang natamaan ung left front. And ung natamaan sa other party was back-right of the car. Kaya kung si Rain talaga ang nakabangga, dapat una nyang tatamaan ung left na likod ng car nila. Then, when the police came, sbi daw ng pulis sa kanya, ung other car ang may kasalanan, tapos after that dumating ako (nagtaxi nalang ako). Then, biglang nagbago ang ihip ng hangin at sinabi ng pulis si Rain na daw ang may kasalanan. Duh?! Ano yun? Nalagayan na? Hmmmm... Something's wrong! Then I called, my insurance company of what should I do with it. First time kse maaksidente namin. Kaya wala talaga kaming alam with the procedures. Anyways, after that we went to the precinct to have their statements and to get the police report. However, kinabukasan pa daw makukuha ang police report. So, what we did was we went straight to Toyota Manila Bay for the estimate. And Good thing, since my car is still 2 years old, replacement lahat. And the total amount estimated was 60K++. Good thing at hindi naman na-apektuhan ung makina. And still in good running condition. =) Hindi nalang namin inintindi ung nakabangga. My mom said that "Kaya nga kayo nag-insurance para wlang hassle kung meron mang mangyari sa car". Rain was very sorry for what had happend. But for me, its not important kase car lang naman un. Ang importante siya. Sabi nga ni future MIL at ng mom ko, mag-ingat daw kaming dalawa next time dahil ikakasal na kami. Ganon daw pag malapit ng ikasal, prone to accident.
So, by Monday, ipapasok ko na sa Toyota. And they promise us that its done in a week and 2 weeks the most! Halos, ayaw makita ni Rain si Viosi (our car's name) kase sobrang love nya to. Mas maingat pa nga siya sa akin e. Malakas lang ang pagsara ko ng pinto nagagalit na yan. It's already our car na rin. That day also, I wasn't able to come to work na din to finish everything. Hay!


Thursday - After shift, I went to Holy Family to pass our wedding banns. And by November 4, pede ko na makuha. When I inquire how much do I have to pay, I was shocked, because its P500. What? Sabi ni Rain bat sa church nya sa may Aquainas, P60 lang daw. E ganon daw sa kanila. Kase malaki daw ang church namin kaya P500. O diba? Ang gandang reason. =)

I also approved the final layout for our invites. After a long and a lot of corrections, at last na-approve ko na din. Rain was very inip na actually. Ang tagal ko daw mag-approve. And then, by November 1st week pa daw matatapos. It will take 3 weeks para matapos hala! Late na kami. Our target to give out our invites was a month before. But since we have relatives from the states, we need to send them pa the invites. Hay!

Then, I was able to spoke with Alex Franco for our cake. He's so makulit. Nakakatuwa because gising siya ng madaling araw, night shift pareho kami. Hahaha! =p Anyways, we'll have our meeting on Tues, Oct 24, 9pm. Now I'll have to check out some pics for the cake design we want. Since my motif is blue and silver, medyo mahihirapan daw kami dahil mahirap daw humanap ng blue na flower, lalo na ang fruits. Kaya we have to discuss thoroughly kung ano na nga ang design na gusto ko. Though he has sample naman daw. Un daw ang problem nya pag ang motif blue. Hay! Any suggestions mga w@wie sises? =p

Very busy na grabe! It's 2 more months. And we already feel the pressure. On sunday, its our prenup. Both of us were very excited. Si Rain nga nag-pa-practice na nga mag-smile. hahaha =p Hindi daw siya magaling umarte sa camera. Hahaha! Sino kaya diba? We're still thinking of what types of clothes we should wear. =p

Today is friday the 13th. Wala lang! Ingat tayo...

 
posted by Rainier & Katrina at 1:17 PM | Permalink |


3 Comments:


  • At 5:50 PM, Blogger QT

    im glad rain is ok. whew! pero kakapanic un ha! let's all be careful from now on... 2months na lang! hmmnn, takot tuloy ako sumakay ng plane =p.

     
  • At 8:09 PM, Blogger dionne

    naku! ingat ingat sis! buti na lang rain's ok. scary yun ah.

    goodluck on your prenup! pics! pics!

     
  • At 10:57 PM, Blogger Ann

    waaaaahhh sis si Jason din 2 weeks ago naaksidente din. Check my blog ... Random Thoughts ... hay ingat nalang sis :) lapit ka na ... mas malapit na pala ako ... 10 days nalang waaaaaaaaaaaa